Mahal Naming Paaralan

Mahal Naming Paaralan

Music by: Col. Antonino R. Buenaventura

Lyrics by: Merced Santos

 

Ikaw ang nagbigay ng pag-asa 

Sa puso ng bawat isa

Karunungan tanglaw sa kinabukasan

Taglayin gabay ng Maykapal

Pagmamahal sayo ay di mawawala

Pasalamatan ka Pamantasang Baliwag 

 

Alayan ka at paglingkuran 

S’yang dulot ng mga kabataan 

Liwanag mo’y aming tataglayin 

Sa bawat tagumpay na kakamtin

Mahal naming paaralan 

Purihin ka sayong kadakilaan!